-- Advertisements --

Nasangkot sa aksidente ang sasakyan ni Sen. Robin Padilla habang nananatili sa The Netherlands.

Ayon sa mambabatas, binangga sila sa tagiliran ng kanilang sinasakyan.

Mabuti na lang aniya at steady lang ang nagmamaneho sa manibela kaya sila tumama sa island.

Delikado umano ang ganitong sitwasyon dahil malaki ang tyansang bumaliktad kapag umaandar ang behikulo.

Gayunman, nilinaw ng senador na maayos naman ang kanilang kalagayan.