-- Advertisements --

Nanumpa na bilang US Secretary of State si Senator Marco Rubio ng Florida.

Siya ang kauna-unahang cabinet nominees ni US President Donald Trump na nanumpa sa opisina at siya rin ang unang tao na mayroong Hispanic origin na nagsilbi sa mataas na posisyon sa US.

Nakatanggap si Rubio ng unanimous confirmation mula sa senado ilang oras matapos ang pormal na pag-upo ni Trump bilang pangulo.

Inaasahan na sa mga susunod na araw ay mayroon pang ilang mga nominado ang manunumpa.

Sinabi nito na prayoridad niya ang pagsulong ng foreign policy ni Trump ganun din ang promosyon ng kapapayapaan.

Ang 53-anyos na Republican senator ay matagal na naging miyembro ng Senate foreign relations at intelligence committee.

Kilala din siyang matinding kritiko ng bansang China at Israel.