Labis ang pasasalamat ni Senator Bernie Sanders matapos manalo ito sa ginanap na New Hampshire Democratic primary contest.
Sa kabuuang 280,000 Democratic voters ay nakakuha ito ng 26% na boto.
Nahigitan ng 78-anyos Vernmont senators ang katunggali nitong 38-anyos na si dating South Bend, Indiana mayor Pete Buttigieg na mayroon lamang 1.6%.
Pumangatlo naman sa botohan si Minnesota senator Amy Klobuchar at nasa pang-apat na puwesto sina Massachusetts senator Elizabeth Warren at panglima si dating Vice President Joe Biden.
Umatras naman sa pagtakbo sa Democratic race sina Andrew Yang at senator Michael Bennet.
Dahil sa panalo ay tiyak na si Sanders sa siyam na 24 na delegado na magrerepresenta ng New Hampshire sa July Democratic national convention kung saan ang partido ay pipili ng nominee base sa panalo ng isang delegado.
Magaganap naman sa Nevada sa darating na Pebrero 22 ang caucuses kung saan ang mga kandidato ay titignan ang kanilang lakas sa South Carolina.
Pagkatapos nito ay magaganap ang Super Tuesday sa March 3 kabilang dito ang 15 estado at territories na mayroong 1,344 delegates ang magbobotohan.
Dito malalaman ang final nominee para sa party conventioin sa Milwaukee, Wisconsin sa buwan ng Hulyo.