-- Advertisements --

Nagpahayag ng suporta si Senate Committee on Basic Education Chairperson Senador Sherwin Gatchalian sa ‘Catch-Up Fridays’program na ipinatutupad ng Department of Education.

Layon nito na maiangat ang mga kakayahan ng mga mag-aaral sa bansa pagdating sa pagbabasa.

Ayon sa senador, napakahalaga ng pagpapatupad ng programang ito lalo malaking bilang ng mga mag-aaral sa bansa ang hirap magbasa.

Batay sa datos ng 2022 Programme for International Student Assessment, 76% ng mga mag-aaral sa Pilipinas na 15-taong gulang ang walang taglay na minimum proficiency sa Reading o pagbasa.

Ang programa aniyang itong ay tutugon sa mga pangangailangan ng mga estudyanteng Pinoy.

Kung maaalala, inilunsad ng Kagawaran ng Edukasyon ang ‘Catch-Up Fridays’ program noong January 12 kung saan ipatutupad ito sa lahat ng mga pampublikong paaralan sa elementarya at high school.

Ipinatutupad rin ito sa mga community learning centers sa buong bansa.

Sa inilabas na kautusan ng DepEd ay ilalaan ang ‘Drop Everything and Read’ activity sa lahat ng mga araw ng Biyernes sa buwan ng Enero..

Samantala, ang programang ito ay bahagi pa rin ng National Reading at Mathematics Programs na parehong nasa ilalim ng National Learning Recovery Program.