-- Advertisements --

Handang tumakbong bise presidente ng bansa si Senate Presidente Vicente “Tito” Sotto III sa 2022.

Ito ay sa kondisyon na magdesisyong tumakbo sa pagkapangulo si Senator Panfilo “Ping” Lacson.

Sinabi ni Sotto na may mga grupo ang lumapit sa kanila ni Lacson at hinihikayat na mag-tambal sa papalapit na halalan.

Dagdag pa nito na hindi ito ang tipo na magsasabing hindi tatakbo sa anumang posisyon pero sa mga susunod na panahon ay maghahain din ng kaniyang certificate of candidacy.

Ipapaalam aniya nito ang kaniyang desisyon na tumakbo sa pagka-bise presidente hanggang sa buwan ng Setyembre.