-- Advertisements --

Nanawagan si Senator Francis Tolentino sa PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Department of Energy Secretary Alfonso Cusi na makipag-ayos kina Senator Manny Pacquiao at Senator Aquilino Pimentel III.

Sinabi ni Tolentino na ito ang tamang gawin ng bagong pamumuno ni Cusi dahil miyembro pa rin sa partido sina Pacquiao at Pimentel.

Para kay Tolentino na ang partido ay parang isang eroplano na hindi ito makakalipad hanggang kulang ang isang bahagi ng pakpak nito.

Magugunitang tinanggal si Pacquiao bilang PDP-Laban President at si Pimentel bilang executive vice-chairman sa isinagawang national assembly na pinatawag ni Cusi na dinaluhan mismo ni Pangulong Rodrigo Duterte.