-- Advertisements --

Pinuna ni Senator Raffy Tulfo ang mga ginagawang panghuhuli ng ilang traffic enforcers sa kalsada.

Kasunod ito sa mga reklamong natanggap niya na basta na lamang humuhuli ang mga traffic enforcers kahit walang malinaw na paglabag sa batas trapiko.

Ayon sa senador na gagawa ito ng panukalang batas sa tamang paghuhuli ng mga traffic violations.

Ilan sa mga nakasaad sa ipapasa nitong panukalang batas ay ang paglalagay ng camera para mairekord ng tama ang panghuhuli.