Ikinalugod ni Sen. Raffy Tulfo ang pagsuspinde ng Land Transportation Office (LTO) sa vehicle registration transfer o Administrative Order AO-VDM-2024-046.
Sa naging pagdinig ng komite ng public services kahapon ay kinuwestiyon ni Sen. Tulfo ang bagong guidelines ng Land Transportation Office (LTO) sa ilalim ng vehicle registration transfer o Administrative Order AO-VDM-2024-046.
Kabilang na dito ang pagsasaayos ng mga kakulangan sa proper information dissemination at ang napakalaking multang ipapataw sa mga buyers at sellers ng second-hand vehicles na hindi nai-report ang bentahan at hindi nailipat sa bagong may-ari ang rehistro ng sasakyan sa itinakdang deadline, kahit pa nangyari ang bentahan bago pa nailabas ang nasabing AO.
Kasunod nito ay inobliga na ng senador ang LTO na baguhin ang mga polisiyang napukol simula pa noon at alalahanin ang mga maaaring maging pananagutan ng sinuman lumabag sa bansa.
Agad namang sinunod ng LTO ang mga suhestiyon at utos ni Tulfo at agad na sinuspinde ang mga polisiya sa ilalim ng kautusan.
Samantala gagawa naman ang ahensya ng mga hakbang para maamyendahan ang bagong balangkas ng LTO.