-- Advertisements --

Nais ni Senator Raffy Tulfo na magkaroon dapat ng regulatory body na magbabantay sa mga vloggers sa bansa.

Sinabi nito na maraming mga responsableng vloggers pero may ilan naman ang malakas ang loob para magpakalat ng mga pekeng impormasyon.

Napapanahon na aniya ang pagbuo ng nasabing mga regulatory board para bantayan ang mga vloggers dahil sa dumarami na ang mga nasa industriyang nabanggit.

Sakaling maipatupad ito ay mababantayan na ang mga vloggers sa responsableng pagpapakalat ng impormasyon.

-- Advertisement --