-- Advertisements --

Ibinunyag ni Senator Raffy Tulfo na kaniyang pinagalitan na ang kaniyang anak na si Quezon City 2nd District Representative Ralph Wendel Tulfo.

Kasunod ito sa paglabag sa batas trapiko matapos ang convoy nito ay dumaan sa EDSA Busway.

Sinabi ng senador na pinagalitan niya ang anak at humingi naman ng paumanhin ang anak.

Ang mga natikitan din ng mga otoridad na SUV ay convoy ng kaniyang anak.

Inamin umano ng kongresista na nagmamadali ito kaya pumasok na lamang sa EDSA Busway ang driver nito.

Giit ng senador na hindi nagsinungaling ang anak at humingi na ito ng paumanhin kung saan wala itong nakikitang pagkakamali dahil hindi ito tumakas at gumamit ng plakang numero otso.

Una ng sinabi ng Special Action and Intelligence Committee for Transportation (SAICT) ng Department of Transportation na may opisyal ng gobyerno silang naaresto nitong Enero 23 subalit hindi na nila binanggit kung sino.

Tanging mga sasakayan na pinapayagan na makadaan sa EDSA Busway ay ang mga otorisadong buses ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) kabilang ang mga mayroong special permit o prankisa para makadaan sa EDSA Busway.

Mga on-duty na ambulansya, bumbero, PNP, mga service vehicles na gumagawa para sa EDSA Busway Projects gaya ng constructions, security, janitorial at maintenance.

Ang mga sasakyan na piling opisyal mula Pangulo ng bansa, pangalawang pangulo, Senate President, Speaker of the House at Chief Justice ng Korte Suprema.

Ang mga lalabag ay may multang P5,000 sa unang paglabag, P10,000 sa ikalawang paglabag na mayroong isang buwan suspensiyon ng drivers license at mandatory road safety seminar, third offense ay P20,000 na multa at isang taon na suspensiyon ng lisensiya at pang-apat na paglabag ay P30,000 na multa at rekomendasyon ng revocation ng lisensya sa Land Transportation Office.