-- Advertisements --

Pinuna ni Senator Raffy Tulfo kung bakit sa mga local government units ibinibigay ang pagpaplano ng ruta ng mga Public Utility Vehicles.

Ayon sa senador na nagiging negosyo na ng alkalde ng lugar ang nasabing pagbibigay ng ruta kung saan ibinibigay ito sa mga kamag-anak.

Sinagot naman ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) chairmang Teofilo Guadiz ang puna ng senador.

Sinabi nito na ang mga local na pamahalaan lamang ang nakakaalam ng mga magandang ruta ng mga pampasaherong sasakyan.

Sakaling ibigay ito sa DOTR ay kanila itong pag-aaralang mabuti.