-- Advertisements --

Sa unang pagkakataon ay nagtalumpati si JD Vance ang napiling vice president ni dating US president Donald Trump sa halalan.

Sinabi nito na bagamat hindi siya sanay sa pamumulitika ay tiniyak nito sa mamamyan ng US na maibibigay ang nararapat na serbisyo para sa kanila.

Naglabas din ito ng pagkadismaya sa tangkang pamamaril kay Trump kung saan mararapat talaga na magkaisa ang mga mamamayan sa US para kondinahin ang anumang uri ng krimen.

Para maging matahimik at maging maunlad muli ang US ay dapat na iboto at ibalik sa puwesto si Trump.