-- Advertisements --
Maghahain si Senator Cynthia Villar ng Motion for Reconsideration (MR) sa Korte Suprema matapos na hindi paburan ang petisyon nito laban sa Manila Bay reclamation project sa Manila Bay sa Parañaque at Las Piñas.
Muling iginiit kasi ng senador na ang reclamation project ay magdudulot ng malawakang pagbaha dahil magbabara sa anim na ilog na dumadaan sa Manila Bay.
Kinabibilangan ito ng mga ilog kagaya ang Imus River, Bacoor River at Molino River sa Bacoor City; Zapote River sa pagitan ng Bacoor at Las Pinas City; Las Pinas River at Paranaque River.
Dagdag pa ng senador na inaalam na ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang pagkakaroon ng buffer zones para sa conservation ng mga protected wetland park.