Naghain ng panukalang batas si Senator Mark Villar ng resolusyon na para magsagawa ng inquiry tungkol sa Heat Index Monitoring sa bansa.
Laman ng Senate Resolutioin 590 ang pagsagawa ng inquiry in aid of legislation para makabuo at mapalakas ng Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang monitoring nito ng heat index sa bansa.
Sinabi ng senador na layon ng nasabing panukalang batas na ma-i-assess ng estado ang heat index monitoring at maglabas ng alert system dahil sa labis na init ng panahon.
Makakapagbigay din ito ng babala sa publiko kung ano ang magiging masamang epekto ng sobrang init sa katawan ng isang tao.
Bukod aniya sa kalusugan ng tao ay makakapagbigay din ng babala ang mga ahensiya sa masamang epekto ng labis na init ng panahon sa sektor ng agrikultura.