Kinuwestiyon ni Senator Cynthia Villar ang pagbabawal ng gobyerno sa mga senior citizens na lumabas ng kanilang bahay kahit na nabakunahan na.
Sinabi ng 70-anyos na mambabatas na tila nakakalito ang ginawa ng gobyerno dahil ipinaprioridad ang mga senior citizens na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19.
Subalit bakit pa sila pagbabawalang makalabas kapag kumpleto na ang kanilang bakuna.
Dagdag pa nito na may proteksyon na ang mga senior citizens kapag nabakunahan na kaya dapat payagan na ang mga ito na turukan ng bakuna.
Paliwanag naman ni Senator Nancy Binay na maaari pa ring mahawa ng COVID-19 ang mga matatanda kapag lumabas na sila kahit na sila ay bakunado na.
Kaya aniya sila binakunahan ay para hindi na sila magkaroon ng matinding sakit kapag dinapuan ng COVID-19.