-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Tutol si Senator Cynthia Villar sa panukalang joint investigation ng Pilipinas at China sa nangyaring insidente sa Recto Bank.

Ayon kay Villar, na kasalukuyang chairperson ng Senate Committee on Agriculture and Food, kung siya ang tatanungin, dapat ay magkaroong sariling imbestigasyon ang Pilipinas hinggil sa naturang insidente lalo at marami na aniyang lumabas na bersyon ng kuwento.

Naniniwala ito na hindi na kailangan ang Joint investigation, kundi ay dapat tulungan ang mga naapektuhang mangingisda at magsampa ng kaso laban sa China kung napatunayang sila ay may sala.