-- Advertisements --

CEBU CITY — Isa sa mga naging petisyon ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri kay Sto. Niño ay ang pagpapatupad ng Department of Disaster Resilience bilang isa sa mga bagong ahensya ng gobyerno.

Sa kanyang pagdalo sa Sinulog sa Cebu City, hiniling nito ang kaligtasan ng bansa mula sa mga sakuna sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Batang Hesus.

Dahil dito, nakatakdang magbigay ng previlege speech si Zubiri sa Lunes, Enero 20 sa Senado upang pakiusapan ang gobyerno na gawing katuparan ang binubuong ahensya na tututok sa mga programa tungkol sa disaster response at resilience.

Ayon sa senador na tatalakayin sa kanyang talumpati ang mga naging kakulangan ng government agencies pagdating sa pagresponde sa panahon ng sakuna gaya ng lindol, bagyo, at iba pa.

Giit pa ng bisayang senador na kailangang bigyan ng pondo ang nasabing mga hakbang upang maisakatuparan ang mga programa na naka-focus sa disaster preparedness at rehabilitasyon.