-- Advertisements --

Inatasan ng Korte Suprema ang Senado pati ang House of Representatives na magbigay at magbahagi ito ng komento sa petisyong inahain ng ilang grupo hinggil sa political dynasty.

Sa isang pampublikong pahayag, inanunsyo ng pinakamataas na hukom ng bansa na kanilang ipinag-uutos na magkomento ang mababa at mataas na kapulungan.

Kung saan binigyan lamang sila ng Supreme Court En Banc ng sampung araw upang ipadala ang kanilang pahayag sa Korte Suprema.

Matatandaan na nito lamang nakaraan ay nagsumite ng petisyon ang 1Sambayan coalition kasama ang ilan pa upang himukin ang Korte Suprema na utusan ang kongreso na gumawa ito ng batas.

Hiling kasi ng panig nila na tuluyang makapagpasa na ng anti-political dynasty law sa bansa.