-- Advertisements --

Inamin ng Kamara na nag-iingat sila sa pagkuha ng private lawyers na makakatuwang sa pagsasagawa ng paglilitis kay Vice President Sara Duterte, para sa kinakaharap nitong impeachment case.

Ayon kay Manila 3rd District Rep. Joel Chua sa panayam ng Bombo Radyo, bagama’t maraming nagpaabot ng interes na makibahagi sa kanilang lupon, bilang private prosecutors, gayunman kailangan pa itong idaan sa screening ng mismong team na haharap sa Impeachment Court.

Sa ngayon ay pawang plano pa lang ang hawak ng team dahil hindi pa naman nagko-convene ang Senado bilang Impeachment Court.

Una nang sinabi ni Senate President francis “Chiz” Escudero na pinipili nila ang magagaling na private lawyers mula sa malalaking law firm.

Nakakahiya daw kasing pumalpak ang kukunin nilang mga abogado, lalo’t pondo ng bayan ang pagkukunan ng pambayad sa mga ito.