-- Advertisements --
image 31

Nakatakdang magpulong ang Senado at Kamara sa Nobyembre 4, araw ng Sabado, para kay Japanese Prime Minister Fumio Kishida.

Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri, si Kishida ay nasa bansa simula Nobyembre 3 sa hangarin na palakasin ang kooperasyon sa pagitan ng dalawang magkaalyado sa pagharap sa mga hamon.

Sinabi ni Zubiri na ang paparating na joint session ng kongreso ay isang karangalan na ibinibigay lamang sa isang dayuhang lider ng estado na limang beses lamang sa kasaysayan ng Pilipinas.

Paliwanag ni Zubiri, magkahiwalay munang magpupulong ang Senado at Kamara dakong alas-9 ng umaga sa Nobyembre 4 para magpasa ng resolusyon sa pag-imbita kay Kishida sa Kongreso at sa pagsasagawa ng joint session.

Nakatakdang humarap aniya si Kishida sa Kongreso alas-11 ng umaga sa Sabado sa Batasang Pambansa Complex sa Quezon City.