-- Advertisements --
senator tito sotto
Senator Tito Sotto

Nakatakdang maghain ng resolution si Senate President Vicente “Tito” Sotto III, na kumikilala sa pumanaw na actor na si Eddie Garcia.

Sinabi ni Sotto, na mahalaga na bigyang pansin ang malaking kontribusyon ng actor sa Philippine movie industry.

Posibleng agad itong maihahain sa pagbubukas ng 18th Congress.

Suportado din nito ang plano ng House of Representatives na nagsusulong sa pagiging National Artist ng pumanaw na actor.