-- Advertisements --
Ipinagtibay ng Senado ang resolution na nagbibigay pugay sa mga doctor sa kanilang hindi matawarang trabaho ngayong panahon ng COVID-19 pandemic.
Ang Senate Resolution 916 ay ipinakilala kasabay ng National Physicians Day noong Setyembre 27.
Pinanguanahan ng mga Senador na sina Sonny Angara, Richard Gordon, Juan Miguel “Migz’ Zubiri, Nancy Binay, Joel Villanueva at Sherwin Gatchalian.
Sinabi ni Angara na hindi katanggap-tanggap kung hindi bibigyan ng kahalagahan ng mga doctors ang kanilang ginawang sakripisyo.
Nagsimulang gunitan ng bansa ang National Physician’s Day noong 1978 sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 1789.