-- Advertisements --

Iginiit ni Senador Alan Peter Cayetano na dapat manatiliping patas ang Senado sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte kahit na isa itong prosesong may bahid ng politika. 

Ayon kay Cayetano, bilang impeachment court, may tungkulin ang Senado na sumunod sa Konstitusyon at mga batas.

Nilinaw din ng senador na ayon sa Konstitusyon, kapag naipasa na ng Kamara ang isang impeachment case sa Senado, obligasyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso na isagawa ang paglilitis.

“Even if you ask me, do you want the impeachment or hindi, it’s not a matter of if you want anymore. Once final na ang Congress dito, wala nang choice ang Senate,” aniya.

Binigyang-diin din nito na dapat isaalang-alang ang tamang timing ng impeachment upang hindi mapabayaan ang iba pang mahahalagang isyu ng bansa.

Bagamat may mga pangamba ang prosekusyon sa impeachment, iginiit ng mambabatas na may sapat na oras para mapangalagaan ang ebidensya, kaya hindi kailangang apurahin ang proseso.

“Yes, may concerns ang prosecution but those concerns can be addressed by them to preserve the evidence. Kaya nila yan. So to start [the impeachment] in June or July would not cause any irreparable damage. But it will help the nation take these issues in stride,” giit ni Cayetano.