Ginawaran ng Medal of Excellence ng senado si Pinoy Gymnast Carlos Yulo matapos na magwagi ng dalawang gintong medalya noong Paris Olympics.
Bukod pa sa pagkilala ay nakatanggap din si Yulo ng P3 milyon na cash incentives.
Personal na iginawad ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero ang Medal of Excellence na nagsimula noong 2021 noong makuha ni Pinay weightlifter ang unang gintong medalya sa Olympics sa Tokyo.
Nakatanggap naman ng tig-P1-milyon sina Olympic bronze medalist Nesthy Petecio at Aira Villegas sa larangan ng boxing.
Mayroong apat na resolution ang ipinasa ng Senado noong plenary sessions para batiin sina Yulo, Villegas, Petecio at buong Philippine team, Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission para sa matagumpay na kampanya.