Hihilingin ng Senate committee on environment, natural resources and climate change kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. Na magtalaga ng opisyal na mangangasiwa sa operasyon sa oil spill sa Oriental Mindoro.
Sinabi ni Senator Cynthia Villar, chairperson ng kumite na susulat sila kay PBBM bilang pagtugon sa suhestyon ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda na makabubuting may isang opisyal na nakatutok sa operasyon.
Sinabi ni Legarda na mas magiging maayos ang takbo ng operasyon kung may isang taong mangangasiwa sa lahat ng hakbangin.
Sinabi naman ni Villar na posibleng italaga si Department of National Defense Officer-in-Charge Carlito Galvez Jr. Na pinuno ng operasyon.
Idinagdag ni Villar na maging si
Oriental Mindoro Governor Humerlito Dolor ay nagnanais na mayroong isang taong maging in-charge at magkokontrol ang direksyon ng bawat hakbangin.