-- Advertisements --
Hinihikayat ng Senado si Pangulong Rodrigo Duterte na magdeklara ng state of calamity sa buong bansa dahil sa banta ng African swine fever (ASF).
Sa session ng Senado ay ini-adopt nila ang Resolution 676 na nananawagan sa pangulo na magdeklara na ng state of calamity sa buong bansa dahil sa banta ng ASF.
Nakasaad rin sa resolusyon ang hindi pagsang-ayon sa pagdagdag ng pork importation at pagbawas ng mga taripa.
Ayon kay Senator Francis Pangilinan, ang may akda sa resolution, ang deklarasyon ng state of calamity ay para mailabas na ang pondo na tutulong sa mga hog raisers na boluntaryong nagsailalim sa culling ng kanilang alaga para maiwasan ang pagkalat ng ASF.