-- Advertisements --

Hiniling ng Senado sa Korte Suprema na kung maari ay hindi na sila magsumite ng komento sa impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.

Ito ang laman ng kanilang manifestation na inihain sa Supreme Court kung saan wala umano silang alegasyon sa bise presidente.

Ang tanging kapangyarihan lamang nila ay ang magsagawa ng pagdinig at desisyunan ang mga kaso ng impeachment na napapaloob sa Konstitusyon.

Magugunitang nonog Pebrereo 25 ay naglabas ng kautusan ang Supreme Court na pinagkokomento ang senado sa impeachment case ng bise presidente.

Sa petisyon kasi ni Duterte na inihain sa Korte Suprema noong Pebrero ay kinukuwestyon niya ang validity at constituitionality ng impeachment complaint.