-- Advertisements --
Inaprubahan na ng mataas na kapulungan ng kongreso ang panukalang batas o Senate Bill 2474 na naglalayong bumuo at magtatag ng National DNA database .
Ayon kay Senador Ronald ‘Bato’ dela Rosa na siyang sponsor ng naturang panukala, malaki ang maitutulong nito para maging mabilis ang paghahatid ng hustisya sa Pilipinas.
Makatutulong rin ito ng malaki sa mga pulis sa kanilang epektibong pag iimbestiga sa mga nagaganap na krimen.
Bukod dito, magagamit rin ito ng mga prosecutor sa paghahabol ng mga kriminal sa bansa.
Mandato ng itatayong database ang mag imbak at magtapon ng mga sample na gagamitin sa forensic DNA analysis.
Mananatili namang secured at confidential ang lahat ng datos sa naturang sistema.