-- Advertisements --

Inaprubahan na ng mga senador sa ikalawang pagbasa ang pagbuo ng hiwalay na departamento para sa mga Filipino migrant workers.

Ang Senate Bill 2234 o panukalang Department of Migrant Workers and Overseas Filipino Act ay nauna nang senirtipikahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang urgent.

Sinabi ni Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na posibleng maaprubahan na sa final reading ngayong Martes ang nasabing panukalang batas.

Ilan lamang sa mga pagbabago dito ay ang panukala ni Senate Minority leader Franklin Drilon na pagpalit ng pangalan ng ahensiya mula sa Department of Migrant Workers and Overseas Filipinos sa Department of Migrant Workers.

Sa ganitong paraan aniya ay malilimitahan ang jurisdictions ng bagong departamento na sakop sa overseas employment and labor migration at ipaubaya sa Department of Foreign Affairs (DFA) ang patuloy na pag-asikaso sa mga Filipino na nasa ibang bansa.