Inaprubahan na ng Senado sa ikalawang pagbasa ang pagpapaliban ng unang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) elections na isasagawa sa October 13, 2025.
Ayon kay Sanador JV Ejercito, sponsor ng panukala, limang buwan ang ibinibigay para sa pagpapaliban ng halalan sa BARMM.
Sa plenaryo, bumotong tutol si Senate Minority Leader Koko Pimentel sa pagapruba ng Senate Bill 2942.
Paliwanag ni Pimentel, nakailang pagpapaliban na ng halalan sa BARMM at permanente na aniyang dinesynchronize ang BARMM elections sa national and local elecions.
Unang iminungkahi na ilipat sa Agosto 11 sa parehong taon ang BARMM elections.
Ngunit sa kasalukuyan bersyon ay muli itong naurong sa October 13.
Sa ilalim ng pinakabagong bersyon ng panukalang batas, ang susunod na halalan ay gaganapin at isasabay sa 2028 national elections at kada tatlong taon.
Nauna nang sinabi ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pulong balitaan na ang pag-amyenda ay rekomendasyon ng security officials at bilang konsiderasyon sa mga prosesong kailangang isagawa dahil sa hindi pagkakasama ng Sulu sa BARMM.
Dagdag pa ng senador, sinertipikahan bilang urgent ng Malakanyang ang panukala at kailangang madaliin na ito dahil magtatapos na ang sesyon ng Kongreso.