-- Advertisements --

Isinusulong sa Senado ang pag-review sa Electric Power Industry Reform Act (Epira) sa gitna ng patuloy na power outages sa ilang parte ng bansa.

Idineklara ng Epira na kailangang tiyakin ng gobyerno at maaccelerate ang kabuuang electrification ng bansa.

Si Senator Imee Marcos na siyang chair ng Senate committee on cooperatives ang nagsulong para sa pag-review EPIRA law at overhaul ng electric ccoperatives.

Samantala, inihayag naman ni Senate President Juan Miguel Zubiri na kanilang tatalakayin ang posibleng amendments sa naturang batas para gawing mas abot kaya ang power rates sa isasagawang pagdinig ng committee on energy bukas, araw ng Miyerkules. August 10.

Ayon kay Zubiri, nasa 21 taon na mula ng maipasa ang Epira. Kung kailangan aniya na mareview at maamyendahan ito para matugunan ang naturang problema ay nakahanda sila para dito.

Nais din ni Senator Grace Poe na ipatawag ang Energy Regulatory Commission sa pagdinig para matugunan ang naturang isyu.

Sa kabilang banda naman, kapwa kinuwestyon naman nina Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III and Senator Raffy Tulfo ang mataas na power rate at hiniling din ang pagreview ng electric cooperatives.

Umaasa naman si Senator Risa Hontiveros para sa patuloy na diskusyon para masingil ang mga ipinangako ng Epira at ang posibilidad na makapagbalangkas ng bagong batas na magbebenipisyo sa mga consumers.