-- Advertisements --
House Speaker alan Cayetano 1
Speaker Cayetano

Nakatakdang bumuo ng joint technical working group ang Senado at Kamara para sa pagtatag ng isang ahensyang tututok sa kapakanan ng mga overseas Filipino workers.

Sinabi ni House Speaker Alan Peter Cayetano na paplantsahin ng bubuuing technical working group ang lahat ng mga usapin hinggil sa pagbuo ng bagong ahensya na ito.

“We’re hoping that the Department Overseas Filipinos and Foreign Employment will not be cure all, but will be giant step in the right direction,” ani Cayetano.

Sa kanyang paghahain ng House Bill No. 2, sinabi ni Cayetano na kailangan magkaisa ang pamahalaan sa pagbigay ng tulong sa mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa.

Ayon kay Cayetano, maituturing bilang “modern day heroes” ang mga OFWs dahil sa remittances na kanilang naipapasok sa bansa kada taon.

Noong nakaraang taon lang, 9.7 percent ng gross domestic product ang nanggaling sa remittances ng mga OFWs na aabot ng hanggang $28.9 billion.