-- Advertisements --
Magsasagawa ang Senate blue ribbon committee ng pagdinig sa Commission on Audit (COA) finding sa hindi paggamit ng Department of Health na P67.32 billion na pondo na inilaan sa paglaban sa COVID-19.
Gaganapin ang virtual hearing sa darating na Agosto 18 dakong alas-onse ng umaga.
Sinabi ni Senator Richard Gordon ang chairperson ng Senate blue ribbon na nais nilang malaman sa DOH kung bakit hind nagamit ang P69-B na pondo ganun din ang pagka-expired ng mga gamot na naka-imbak sa nasabing ahensiya.
Nauna ng naghain ng magkaibang resolution sina Senator Grace Poe at Senate Minority Leader Franklin Drilon para imbestigahan ang nasabing usapin.