-- Advertisements --

Maghahalal ang Senate officials ng panibagong Senate sergeant-at-arms bilang kapalit ng pumanaw na si Philippine Air Force (PAF) retired M/Gen. Jose Balajadia Jr.

Nitong weekend nang binawian ng buhay si Balajadia sa edad na 75, isang linggo lamang matapos siyang magretiro sa trabaho sa Senado.

Bago bumaba, ilang beses nakaranas ng masamang pakiramdam ang tinaguriang longest serving Senate Sergeant-at-Arms.

Nabatid na na-diagnose na may bone cancer, prostate cancer, enlarged heart at pneumonia si Balajadia.

Nagsimula siya sa trabaho sa Senado mula noong 2002, kaya 17 taon itong nanatili sa mataas na kapulungan.

Naulila niya ang kaniyang asawa, limang anak at apat na apo.

Buhos naman ang pasasalamat kay Balajadia mula sa mga senador.

“While our hearts are heavy, they are also filled with gratitude. Thank you for keeping us always safe in the Senate, General Balajadia. Our thoughts and prayers are with you and your family,” wika ni Sen. Grace Poe.

“It is now our time to say “All rise” for a man of passion and dedication. Salamat sa iyong paglilingkod sa institusyon, General Balajadia, sa isa sa pinakamapaghamong mga panahon ng Senado, kabilang na ang paghuli kay Sen. de Lima at ang pagtangkang paghuli kay Sen. Trillanes. Our deepest sympathies to the family of the longest serving Sergeant-at-Arms in the history of the Philippine Senate. Saludo sa mandirigmang Igorot,” pahayag naman ni Sen. Kiko Pangilinan.

Una nang inihayag ni Senate President Vicente Sotto III na irerekomenda niya sa kanyang mga kasamahan na maitalaga si dating Philippine Air Forces commander retired M/Gen. Rene Samonte bilang kapalit ni Balajadia.