Naihabol ng Senado para tuluyang maratipikahan ang panukalang Bayanihan to Recover as One Act na nilalayong makatulong sa pagsalba sa ekonomiya at mga kababayan dahil sa COVID crisis.
Ang hakbang ng Senado ay matapos na magkasundo ang bicameral conferecne committee na pagtibayin ang P140 billion na budget sa Bayanihan bill at ang dagdag na standby fund na P25 billion.
Pagkatapos nito ay aantayin na lamang ang ratipikasyon din ng Kamara na posibleng isagawa nitong Biyernes o kaya sa Lunes na bago pirmahan ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Una rito sinabi ni Senate finance committee chairman Sen. Sonny Angara, itinuturing ang Bayanihan 2 bilang urgent measure kaya agad nilang tinapos ang paghimay.
Makikita umano rito ang pagtulong sa mga labis na naapektuhan ng pandemya na siyang diwa ng bayanihan.
“This measure was born out of Bayanihan spirit,” ani Angara.
Nagsagawa ng kanilang special session ang Senado kahit araw ng Huwebes para mapagtibay ang bicam report.
“With the swift passage of Bayanihan 2, we hope to reinvigorate our people and renew their confidence in their government. The COVID-19 pandemic may be the biggest challenge our country is facing in recent memory. But I’m assured that our spirit to overcome it is even greater. Inaasahan nating agad itong lalagdaan ng pangulo,” dagdag pa ni Angara.
Bago nito, inaprubahan nga sa bicameral conference committee ang P140 billion na mayroong allotment para sa iba pang programa ng gobyerno upang matulungan ang mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
May bukod ding P25 billion na magiging stand-by appropriations.
Nasa P10,000 naman ang ibibigay na special risk allowance sa health workers at P15,000 sickness benefit para sa health workers na nagkaroon ng mild COVID-19 infections.
May alokasyon din ito sa social amelioration program ng gobyerno na magbibigay ng P5,000 hanggang sa P8,000 bilang tulong pinansiyal sa mga low-income households sa mga lugar na nasa ilalim ng hard lockdown.
Gayundin sa mga tahanan na merong bagong dating lamang na mga overseas workers; paglalaanan din ng malaking halaga ang pagtatayo ng isolation at quarantine facilities; contact tracing program; education; pagbili ng personal protective equipment; tulong sa mga nawalan ng trabaho, transportasyon, turismo at iba pa.
Samantala ipinaabot naman ni Sen. Bong Go ang kanyang pagbati sa mga kapwa mambabatas ng dalawang kapulungan ng Kongreso para mabuo ang mahalagang batas.
“This measure shall go a long way as we move forward on our road for recovery as one,” wika pa ni Go.
Si Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ay partikular na pinapurihan si Sen. Angara, na siya ring namuno sa Senate bicameral conference committee dahil sa “leadership, vision and guidance for the entire team.”
Gayundin si Sen. Richard Gordon dahil sa pagtanggap daw ni Angara sa panukala niya na “referral service amendment” sa ginanap na ratification.
Aniya, ang panukalang ito ang aasiste sa mga COVID-19 patients kung ano ang kanilang gagawin, saang isolation center tutungo, anong ospital, ambulances na gagamitin at iba pa.
Matatandaang nagbanggaan ang posisyon ng Senate at House members dahil sa ilang proyekto na nais maging prayoridad lalo na ang infrastructures na may kinalaman sa turismo.
Breakdown ng Bayanihan bill: