-- Advertisements --
Umabot sa 166 na mga panukalang batas ang naipasa ng senado sa loob lamang ng isang araw.
Sinabi ni Sen. Majority Leader Juan Miguel Zubiri na karamihan sa mga ito ay local application kabilang ang pagtatayo ng state universities, college, primary at secondary schools ganun din ang mga pagamutan at marine hatcheries.
Itinuturing na ito na ang pinakamaraming panukalang batas na naipasa sa kasaysayan ng senado ng bansa.
Nakatakda kasi magsagawa ng session break ang senado sa Pebrero para magbigay daan sa nalalapit na halalan at sila ay babalik pagkatapos na ng elections.