Nagpatawag na ng pagdinig ang Senate committee on foreign relations para pag-usapan ang isyu ng pinalakas na puwersa ng Chinese Coast Guard na palaging namamataan sa pinag-aagawang teritoryo.
Simula kasi nitong Lunes, maaari nang atakehin at gamitan ng armas ng kanilang coast guard ang alinmang sasakyang pandagat na papasok sa inaangkin nilang teritoryo, kahit may ibang mga bansa ring claimant nito.
Ayon kay Senate committee on foreign relations chairman Sen. Koko Pimentel, mahalagang malaman ng taong bayan kung anong mga hakbang ang ginagawa ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND), para sa kalagayan ng mga kababayan nating maaapektuhan ng paghihigpit.
Matatandaan na dati nang naging tensyonado ang sitwasyon sa West Philippine Sea dahil sa pagharang ng Chinese vessel sa mga mangingisdang Pinoy at iba pang naglalayag sa lugar.
Kung may mga sensetibong paksa naman, nakahanda umano si Pimentel na idaan ang hearing sa executive session.