Nagpatupad ngayon nang mahigpit na seguridad ang Senado matapos makatanggap ng bombo threat kahapon.
Sa labas ng gate ng Senado may mga naka-deploy ng mga pulis upang masigurong ligtas ang lugar.
Nagpapatupad din ngayon ng mga karagdagang hakbang sa seguridad bago pumasok ng gusali kung saan sinusuri ang bawat sasakyang papasok.
Ang dagdag na security measures ay ipinatutupad ngayon ng Office of the Senate Sergeant at Arms (OSAA).
Ayon kay Atty Renato Bantug, Senate Secretary, mayroon umanong nag-post ng threat sa social media page ng Senado kahapon ng umaga.
Posibleng prankster aniya dahil nag-post din kung saan-saan ang naturang account.
Sinabi naman ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na bagamat hindi ito ikinukunsidera na credible at seryosong banta, nagpatupad pa rin ng ibayong pagiingat ang mataas na kapulungan.