-- Advertisements --
image 194

Nagrekomenda ang Senate Commitee on Justice and Human Rights nang mas mabigat na parusa ng hanggang 20 taong pagkakakulong at multang aabot ng Php5 milyon laban sa mga abusadong employer.

Ang naturang rekomendasyon ay nakapaloob sa 100-pahinang report ng naturang komite na nag-imbestiga sa umano’y matinding pagmamaltrato sa kasambahay na si Elvie Vergara.

Sa loob ng maraming taon, si Vergara ay nagtamo ng physical and emotional abuse sa kanyang mga employer sa Occidental Mindoro, na nagresulta sa kanyang partial blindness at iba pang injuries.

Ayon sa komite ni Sen. Francis Tolentino, kinakailangan nang amyendahan ang Republic Act 10361 o ang Batas Kasasambahay law para mapaigting ito at maiwasan na ang anumang pang-aabuso at pagmamaltrato sa mga domestic helper.

Base sa committee report, kinakailangan na rin repasuhin ang tungkulin ng PNP women’s desk.

Sa kasalukuyan, inaatasan ang Women and Children Protection Center (WCPC) na mag-operate at mag-imbestiga ng mga kaso ng trafficking in Persons at iba pa bilang specialized Anti-Trafficking Unit ng pambansang pulisya.

Inatasan naman ang mga barangay na ilista ang mga kasambahay na kanilang nasasakupan at ipinasusumite ito sa Department of Labor and Employment (DOLE), Department of Social Welfare and Development (DSWD), Commission on Human Rights (CHR), at sa Philippine National Police (PNP)