-- Advertisements --

Nangako ang mga senador na tutuparin ang hiling ni Pangulong Rodrigo Duterte na magsulong pa ng mga batas para sa kapakinabangan ng mga manggagawa.

Ayon kay Senate committee on labor chairman Sen. Joel Villanueva sa panayam ng Bombo Radyo, target nilang gawing prioridad sa pagbabalik ng sesyon ang “Ending Endo Bill.”

Sa kabila nito, nilinaw naman ni Villanueva na may mga nagawa na silang bill para sa mga manggagawa sa mga nakalipas na buwan.

Kabilang na rito ang Tulong Trabaho Bill na naglalayong maalalayan ang isang estudyante sa pag-aaral, hanggang sa paghahanap ng trabaho; nariyan din ang Telecommuting o Working from Home Bill na target makabawas sa malaking volume ng mga bumabyahe para pumasok sa trabaho; ikatlo ang Occupational Safety Law na nag-oobliga sa mga employer na bigyan ng ligtas na working place ang mga manggagawa.