-- Advertisements --

Kinatigan ng mga senador ang pag-ratify sa treaty na nagbabawal sa paggamit ng nuclear weapons sa buong mundo.

Lumabas na unanimous ang naging pagpabor ng mga mambabatas sa Senate Resolution (SR) 620, kung saan sinasang-ayunan ang tinaguriang Treaty on the Prohibition of Nuclear Weapons (TPNW) ng United Nations.

Ayon kay Senate committee on foreign relations chairman Sen. Koko Pimentel, ginawa nila ang hakbang na ito, hindi lamang para sa sarili, kundi para na rin sa susunod na henerasyon.

Para naman kay Sen. Joel Villanueva, positibong hakbang ito para sa hinahangad na nuclear weapons-free world.

Nabatid na pinasok ng Pilipinas ang kasunduan noon pang Setyembre 20, 2017, ngunit ang instrument of ratification ay nakarating lamang sa Senado noong Nobyembre 18, 2020.