-- Advertisements --
image 715

Niratipikahan na ng Senado ang pinal na bersyon ng panukalang Public-Private Partnership (PPP) Code of the Philippines.

Ito ay matapos i-sponsor ni Senador JV Ejercito ang bicameral conference committee report sa mga hindi tugmang probisyon na bersyon na ipinasa ng Senado at ng House of Representatives.

Sinabi ni Ejercito na sa ilalim ng reconciled version, sumang-ayon ang mga mambabatas na pahusayin pa ang framework para sa pagproseso ng mga PPP projects

Samantala, hindi naman pabor si Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III sa pag-ratipika ng naturang panukala.

Paliwanag ni Pimentel, bumoto siya laban sa pagpasa ng panukalang batas dahil sa “procedural issues.”

Samantala, kinatigan naman ni Senate Deputy Minority Leader Risa Hontiveros ang pagpapatibay ng panukala dahil ito aniya ay nagpapalakas sa pananagutan ng mga opisyal at kawani sa pagpapatupd ng mga ahensya at oversight agencies.