-- Advertisements --

Ibinunyag ngayon ni Senate President Francis ‘Chiz’ Escudero na pinaghahanda na rin nila ang impeachment trial ni Vice President Sara Duterte.

Subalit nilinaw nito na hindi ito basta masisimulan hanggang sa pagbabalik ng sessions ng senado.

Dagdag pa nito, pakonti-konti na nilang binubuo ang ilang impormasyon na may kinalaman sa nasabing kaso.

Ibinahagi rin nito na kanilang pinag-aaralan ang mga nagdaang impeachment proceedings para malaman kung ito ay kanilang magagamit muli.

Naghahanap na rin sila ng mga suppliers ng mga robes na susuotin ng mga senador kapag nag-convene na sila bilang korte.

Magugunitang natanggap na ng mga senador ang impeachment complaints mula sa House of Representatives bago pa mag-adjourn ang sessions nila.