-- Advertisements --

Naglabas na ng arrest order ang senado laban kay suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo.

Ito ay may kinalaman pa rin sa kanyang pagliban sa isinasagawang pagdinig ng mataas na kapulungan ng kongreso hinggil sa illegal na operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators sa bansa.

Ipinag-utos ng Office of the Senate Sergeant-At-Arms ang pag iisyu ng naturang kautusan sa loob ng 24 oras.

Ayon sa Senado, ang hindi pagdalo ni Guo sa pagdinig noong June 26 at July 10 ay malinaw na taktika para ma delay ang pagdinig .

Kabilang sa ipinaaaresto ng senado ay ang ama ni Guo na si Jian Zhong Guo , mga kapatid na si Sheila, Wesley at Seimen Guo , umanoy ina ni Guo na Wen Yi Lin si at Nancy Gamo at Dennis Cunanan na dating accountant na sinasabing inirerepresnta ang POGO sa Bamban.

Sa ngayon ay wala pang tugon ang kampo ni Guo ukol sa naturang kautusan.