Pinapurihan ngayon ni vaccine czar Carlito Galvez Jr ang naging hakbang ng Senado na aprubahan ang panukalang pagpapaliban sa halalan sa susunod na taon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Kabilang din sa pinagtibay ng Senado kamakailan ay ang extension ng transition period ng BARMM hanggang taong 2025.
Ayon kay Galvez, na siya ring presidential adviser on the peace process, kahit papaano raw ay makakabawas ito sa dagdag na super spreader events sa COVID-19 kung saan sa susunod na taon ay isasagawa rin ang general elections.
Ang pagpapatigil sa halalan ay hudyat din ng extension ng kapangyarihan ng Bangsamoro Transition Authority (BTA) hanggang taong 2025.
Babalangkasin pa kasi ng BTA ang mga parliamentary districts at mga patakaran sa election code.