Isinusulong ngayon ni Senate committee on health vice chairperson Sen. Risa Hontiveros na magdaos na rin ng sariling pagdinig ang mataas na kapulungan ng Kongreso hinggil sa isyu ng ghost dialysis.
Ang nasabing modus operandi ay nabunyag sa pagsisiwalat ng whistleblower na si Edwin Roberto, kung saan ang PhilHealth umano ay nag-aapruba ng mga gawa-gawang claims.
Kung saan kabilang sa kinukuha sa pondo ng ahensya ang mga bayad sa dialysis at iba pang procedure na hindi naman nangyari, kundi inimbento lamang ang record mula sa mga kasabwat na clinics.
“This scheme not only steals funds from government, but may have also led to the deaths of people who would have otherwise benefited from PhilHealth’s programs. A response from government is needed,” wika ni Hontiveros.
Pero dahil naka-break na ang mga senador, wala pang schedule na naitatakda para sa planong pagdinig.