-- Advertisements --
Screenshot 2019 05 01 08 45 23

Kapwa nakatanggap ng positibong rating ang tatlong sangay ng pamahalaan sa datos ng Social Weather Station (SWS) para sa unang quarter ng 2019.

Batay sa SWS survey, parehong nakatanggap ng “very good” na rating ang Senado sa 72-percent at Korte Suprema sa 62-percent.

Habang kapwa “good” naman ang rating ng Kamara sa 61-percent at Cabinet sa 57-percent.

Ginawa ang survey sa pagitan ng March 28 at 31 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,440 indibidwal sa buong bansa.

Kung hihimayin, walang nagbago sa rating ng Senado bilang “very good,” at House of Representatives bilang “good.”

Nagkaiba lang ito sa satisfaction rate mula sa +58 points noong Disyembre ng mataas na kapulungan. Habang tumaas ng 7-points ang sa Kamara.

Pareho rin daw ang hindi paggalaw sa rating ng gabinete na umangat ng 9-points.

Maituturing naman daw na record high ang Supreme Court dahil sa 13-puntos na itinaas nito mula sa +37 noong huling buwan ng 2018.

Ayon sa SWS mayroong sampling error margins na ±2.6% ang resulta para sa national percentage at ±5% sa Balance Luzon, Metro Manila, Visaya at Mindanao.