-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Hindi kailangan ng Senado na humngi ng clearance kay Pangullong Rodrigo Duterte ang mga cabinet members nito bago dumalo sa kanilang pagdinig, ayon kay Senator Panfilo Lacson.

Sinabi ni Lacson sa kanilang pagbisita ni Senate President Tito Sotto sa The Ruins kahapon na ang kanilang isinasagawang imbestigasyon ngayon tungkol sa mga biniling personal protective equipment (PPEs) ng PS-DBM ay in aid of legislation.

Sa kabilang dako, kumpiyansa naman si Sotto na bago pa man matapos ang taon ang lalabas na ang resulta ng isinasagawang imbestigasyon.

Ayon sa senador, bibigyan nila si Senator Richard Gordon, chairman ng Senate blue ribbon committee, ng pagkakataon na masilip ng husto ang issue.

Subalit inaasahan naman nilang mailalabas na ng komite ni Gordon ang resulta ng kanilang imbestigasyon bago pa man sumapit ang Oktubre o Nobyembre.

Aniya, may isasagawa pang hearing ngayon araw at may dalawa hanggang tatlong dagdag na hearing pang gaganapin sa susunod na mga linggo bago nila makuha ang resulta.