Tinapos na ng Senado ang period of interpellation para sa P4.5 trillion national budget para sa 2021 kaninang madaling araw lamang.
Una rito, nagsagawa ang mga senador ng marathon of sessions mula pa noong Lunes mula alas-10:00 ng umaga at madalas itong umaabot ito hanggang madaling araw.
Nagpasalamat naman si Senate Committee on Finance chairperson Sonny Angara sa kanyang mga kasamahan dahil nasunod ang timetable kahit madalas matapos ang sesyon ng madaling araw.
Pinaalalahanan naman nito ang kanyang mga kasamahan na magsumite ng kanilang proposed amendments sa budget bill sa deadline o sa Linggo ng gabi.
Ayon kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri posible umanong maaprubahan ang budget sa second at third readings hanggang sa Martes sa November 24.
Before the session adjourned, Senator Richard Gordon told his colleagues who were present in the Senate to observe if they would develop “symptoms.”