-- Advertisements --

ILOILO CITY – Tiniyak ng pamunuan ng senado na uunahin nila ang adoption ng joint resolution na nagpapawalang bisa sa executive order ni Pangulong Rodrigo Duterte na nagpapababa sa taripa ng mga imported na baboy ngayong taon.

Sa ekslusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Senador Francis Pangilinan, sinabi nito na nagpahayag ng suporta si Senate President Vicente Sotto III sa plano nila nila Senate Minority Leader Franklin Drilon at Senator Cynthia Villar na magpasa ng resolution upang mapapawalang-bisa ang Executive Order No. 128.

Ayon kay Pangilinan, sa ilalim ng Customs Modernization and Tariff Act, nakasaad na ang kapangyarihan ng Pangulo na baguhin ang taripa habang nakarecess ang Kongreso ay maaaring mabasura sa pamamagitan ng joint resolution.

Ang nasabing batas rin ang naging basehan sa pagpapalabas ng EO No. 128 na nagpapababa ng taripa sa percent mula sa 30 percent na in-quota imports at 15 percent mula sa 40 percent na out-quota imports.

Ang Kongreso ay nakarecess at babalik sa session sa Mayo.